SPD, nakakakita na ng linaw sa imbestigasyon ng pagpatay kay broadcaster Percy Lapid

272

May malinaw nang larawan ang mga otoridad sa kanilang imbestigasyon sa pagpatay kay broadcaster Percival Mabasa, na kilala sa pangalang Percy Lapid.

Ayon kay PCol. Restituto Arcangel, District Director for Operations ng Southern Police District, may nakuha na silang larawan ng mas malinaw na anggulo ng isa sa sakay ng motorsiklong sinakyan ng 2 gunmen.

Ito ay matapos nilang suyurin ang iba’t ibang camera footages sa ruta ni Lapid at sa mga lugar na dinaanan ng mga suspek.


Kinumpirma rin ni Arcangel na ang video na kuha ng dashcam bago mabaril ang broadcaster ay tugma sa kuha ng camera ng sasakyan ni Lapid.

Klaro rin aniya ang larawan at ang feature ng isa sa gunmen kahit naka-face mask ito.

Facebook Comments