
Nagsampa ng criminal at administrative complaints ang Office of the Ombudsman laban kina Senators Mark at Camille Villar, dating Senators Manny at Cynthia Villar, Paolo Villar, at ilang opisyal ng local water districts.
Kaugnay ito ng tinawag ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na “grossly disadvantageous” na mga joint venture agreement na pinasok ng PrimeWater Infrastructure Corp. sa ilang local water districts.
Ayon sa Ombudsman, graft at mga reklamong administratibo ang isinampa at nasa preliminary investigation na ang mga ito.
Matagal nang nahaharap sa mga reklamo ang serbisyo ng PrimeWater kabilang ang problema sa suplay at kalidad ng tubig.
Samantala, itinanggi ni Clavano na may kinalaman sa umano’y pag-target sa mga minority senator ang pagsasampa ng reklamo laban sa magkapatid na Senators Mark at Camille Villar.
Giit ng opisyal, nakabatay ang mga reklamo sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng mga joint venture agreement sa PrimeWater.










