144 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 144 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon, March 11.

Dahil dito, umakyat na sa 4,077,757 ang nationwide tally pero 9,070 na lamang ang patuloy na nagpapagaling.

Nasa 66,202 naman ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa virus.


Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region pa rin ang may pinakamataas na naitalang bagong kaso na nasa 450.

Sinundan ito ng Davao Region, 252; Calabarzon, 196; SOCCSKSARGEN, 156 at Northern Mindanao na may 101 new cases.

Facebook Comments