2 pang kasapi ng NPA, sumuko sa mga awtoridad

Nagbalik-loob ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga awtoridad sa Central Luzon.

Sa ulat na nakarating sa Kampo Krame mula kay Police Regional Office 3 Director Police BGen. Cesar Pasiwen, kabilang sa sumuko si Ka Argel na dating miyembro ng Edwardo Dagli Command bilang liaison officer na ang operasyon ay nakasentro sa Quezon Province at Batangas.

Habang si Ka Rico, dating miyembro ng Bagong Hukbong Bayan ay sumuko rin sa mga awtoridad.


Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas at granada sa 2nd Provincial Mobile Force Company Pampanga kasama ang Philippine Army.

Ayon pa kay Pasiwen, ang tuloy-tuloy na pagsuko ng mga miyembro ng NPA ay isang malinaw na pagpapakita na nabubuwag na ang mga rebelde at epektibo ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan.

Facebook Comments