Resolusyong magpapatibay sa relasyon ng Pilipinas at Vietnam, iniabot ni Speaker Romualdez sa chairman ng National Assembly of Vietnam

Umaasa si House Speaker Martin Romualdez sa lalong paglakas ng ugnayan ng Pilipinas at Vietnam.

Inihayag ito ni Romualdez makaraang personal niyang iabot kay National Assembly of Vietnam Chairman Vuong Dinh Hue ang House Resolution No. 34 na pinagtibay ng Kamara.

Nakapaloob sa resolusyon ang pagtatatag ng Philippine-Vietnam Parliamentarians Friendship society para epektibong mapa-igting ang umiiral na exchange of visits program ng mga parliamentarian ng dalawang bansa.


Higit din nitong pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga opisyal at miyembro ng parliamentarian society.

Nakasaad din sa resolusyon ang pagpapalalim sa pagtutulungan ng dalawang bansa para sa pagkamit ng peace and prosperity sa rehiyon, mapapasigla sa mutual understanding and cooperation at higit na mapaalas sa kanilang pagkakaibigan.

Facebook Comments