Tuesday, October 27, 2026

Ipapalit kay VP Sara Duterte, premature pa na pagusapan ayon sa isang senador

Iginiit ni Senior Deputy Majority Leader JV Ejercito na premature pang pagusapan kung sino ang ipapalit kay Vice President Sara Duterte sakaling tuluyan itong mahatulang guilty sa kinakaharap na impeachment case.

Kaugnay na rin ito sa naging pahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na kung ialok sa mga senador ang posisyon ng Vice President ay huwag nila itong tanggapin tulad ng ginawang pagtanggi ni Senator Chiz Escudero.

Ayon kay Ejercito, hindi pa dapat pagusapan ang tungkol sa VP position dahil ongoing pa ang impeachment trial.

Paliwanag ng senador, hindi pa naman nakasisigurado kung ano ang magiging hatol ng impeachment court at hindi pa naman tiyak kung “guilty” ang verdict kay VP Duterte.

Samantala, sa tingin naman ni Ejercito ay maganda ang panawagan ni Cayetano na huwag tanggapin ng mga senador ang VP position kung sakaling ialok sa kanila dahil sila ang mismong hukom ng impeachment court na hahatol sa bise.

Gayunman, masyado pang maaga para pagusapan kung sino ang susunod na magiging Vice President o itatalagang VP.

Facebook Comments