2 sugatan matapos pagbabarilin sa Sta. Cruz, Maynila

Pinaghahanap na ng pulisya ang mag-live in partner na responsable sa pamamaril sa dalawang lalaki sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina muslimen tali0asan at kinakasama nito na si Cherry Ann Perez.

Sa imbestigasyon, naka-away ng mga suspek ang biktimang sina Sohair Ariman at Abdul Rasdi sa loob ng isang e-bingo outlet sa 2nd floor ng isang hotel sa globo de oro kanto ng Elizondo Street sa Quaipo, Maynila.


Nauwi sa suntukan ang away pero naawat sila ng mga guwardiya kung saan habang papauwi na ang mga biktima ay sinundan sila ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at saka pinagbabaril.

Sa ikinasang follow-up operation ay natunton ang hotel na inuupahan ng mga suspek pero wala na sila kung saan nakita naman sa kanilang kwarto ang dalawang baril, mga bala, isang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

Napag-alaman na ang suspek na lalaki ay dati ng nakulong dahil sa baril at iligal na droga pero nakalaya ito dahil hindi sapat ang ebidensiya laban sa kaniya.

Facebook Comments