Monday, July 27, 2026

BRP Miguel Malvar ng Philippine Navy, pinadala sa Hawaii para sa RIMPAC exercise 2026

Pinadala na ng Philippine Navy ang barko ng Pilipinas na BRP Miguel Malvar para lumahok sa Rim of the Pacific o RIMPAC Exercise sa Hawaii, kahapon.

Ang RIMPAC exercise ay ang pinakamalaking international maritime warfare drill na isinasagawa kada- evened number na tao.

Pinangunahan ni Navy Flag Officer in Command, VAdm. Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta ang send-off ceremony ng nasabing lalahok na barko ng bansa sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales.

Ayon kay Ezpeleta, ito ang muling pagbabalik ng Pilipinas sa nasabing pagsasanay buhat noong 2022, kaya’t mapagtitibay nito ang committment bilang ‘credible partner’ sa ilalim ng kanilang SAIL Plan 2040.

Kung saan palalakasin ng Navy ang pagpapahalaga sa disiplina at ropesyunalismo sa pagiging kinatawan ng bansa sa naturang pagsasanay

Bukod sa BRP Miguel Malvar, lalahok din sa nasabing pagsasanay ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard (PCG).

Facebook Comments