
Pansamantalang inaprubahan ng Sandiganbayan 5th Division ang mosyon ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan na isailalim siya sa hospital arrest habang gumugulong ang kasong plunder.
Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan 5th Division, ito ay dahil sa katandaan at sa “life-threatening” medical conditions ni Bonoan.
Samantala, pinayagan naman si Bonoan ng dibisyon na ma-confine sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame, Quezon City.
Gayunpaman, maaaring ilipat si Bonoan sa New Quezon City Jail sa Payatas oras na ideklara ng attending physician na ligtas na ang kalagayan ni Bonoan para i-discharge sa nasabing ospital.
Facebook Comments










