
Bumagal ng 6.8% ang inflation rate ng bansa ngayong May 2026 mula sa 7.2% inflation rate noong April 2026, ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistic Authority (PSA) ngayong Biyernes, June 5.
Pangunahing dahilan umano nito ay ang mabagal na pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo sa Transport na nasa 16.2% nitong Mayo mula sa 21.4% noong Abril; Food and non-alcoholic beverages na nasa 5.7% mula sa 6%; at dahan-dahang pagbaba sa singil sa Housing, water, electricity, gas, and other fuels na nasa 7.8% mula naman sa 8.2%.
Samantala, pasok naman sa top 5 contributors sa inflation rate noong May 2026 ay ang Bigas na may 15.6% inflation nitong Mayo mula sa 13.7% noong Abril; 51.6% na inflation sa Gasolina mula sa 59.6% noong Abril; Restaurants, cafe, at iba pa na nasa 6.8% mula sa 6.1%, LPG sa 41% mula sa 45.8% at Rentals sa 3.7% nitong Mayo mula sa 3.8% noong Abril.
Ayon kay PSA National Statistician and Civil Registrar General Claire Dennis Mapa, maaapektuhan ng nasabing inflation ang mga manggagawa sa transportation maging ang mga pasahero ngayong pamahon ng tag-ulan.
Samantala, taliwas naman ang nasabing mga datos sa naunang projection ng Bangko Ssntral ng Pilipinas na aabot sa 7.1% hanggang 7.9% ang inflation rate ng bansa nitong May 2026.










