2 suspek na nagsuot ng uniporme ng pulis na nangholdap sa Koronadal City, tukoy na

 

May lead na ang pulisya sa nangyaring robbery-hold-up sa Agencia Brillantes Jewelry Pawnshop sa OsmeƱa Street Barangay Zone 1, Koronadal City kamakailan.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., tukoy na ang 2 pulis na nagsuot ng PNP Athletic uniform at nanloob sa Jewelry shop.

Aniya, hindi pulis ang mga ito at nagsuot lamang ng uniporme ng pulis.


Kaugnay nito, magbibigay ng kalahating milyong piso ang City Government ng Koronadal sa makapagtuturo o makapagbigay ng impormasyon sa ikadadakip ng mga suspek sa nangyaring krimen.

Aniya, layon ng reward money na mapabilis ang pagdakip sa anim na mga suspek na pumasok at nang limas sa mga alahas sa loob ng nasabing jewelry pawnshop.

Sa kuha ng CCTV, dalawang lalaking nakasuot ng athletic uniform ng pulis ang pumasok kung saan agad na pinadapa ang mga guwardiya at pumasok ang apat na mga kasamahan sabay sira sa maliit na pintuan papasok sa mga lalagyan ng alahas at ilang minuto matapos isagawa ang krimen ay mabalis na tumakas ang mga suspek.

Facebook Comments