
Inanunsiyo ng Department of Justice (DOJ) na may mga panibagong reklamo silang natanggap na may kaugnayan sa flood control anomaly.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, natanggap ng National Prosecution Service ang reklamo laban sa 20 indibidwal na iniimbestigahan kaugnay sa flood control projects sa Cebu.
Binubuo aniya ito ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 3rd District Engineering Office at mga pribadong indibidwal na may kinalaman sa bidding at implementasyon ng proyekto.
Kabilang aniya sa mga reklamong isinampa ang technical malversation, malversation, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act, perjury, falsification ng documents at paglabag sa government procurement reform act.
Facebook Comments










