Monday, August 24, 2026

Estudyanteng nakuhanan ng baril sa kanyang bag sa Cebu, binalik na sa kanyang pamilya

Kinumpirma ng PNP na binalik na sa kanyang pamilya ang estudyanteng nakuhanan ng baril sa kanyang bag sa Cebu ilang araw bago maganap ang shooting incident sa Zamboanga City.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Officer (PNP – PIO) Chief PCol. Allen Rae Co, tinurn-over ang nasabing estudyante sa lokal na social workers ngunit dahil sa umano kulang ang personnel at pasilidad kaya ibinalik ang nasabing estudyante.

Ayon sa ulat, nakita ang baril sa bag nito nang magsagawa ng inspeksyon ngunit ito ay walang lamang mga bala.

Kung saan ayon pa sa nasabing menor de edad, mula raw ito sa kanyang lolo kung saan ito ay hindi nakarehistro ibig sabihin kabilang ito sa mga loose firearms.

Kaugnay nito, sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kaya nagdala ng baril ang nasabing estudyante ay para manakot lamang dahil may nambu-bully umano sa kanyang kabarkada.

Facebook Comments