Tuesday, August 4, 2026

Defense counsel Atty. Michael Poa, humingi ng paumanhin sa kampo ni ex-VP Jejomar Binay, matapos na ipuntong hindi lamang si VPSD ang biseng may confidential funds sa kasagsagan ng cross examination

Humingi ng paumanhin si defense counsel Atty. Michael Poa sa kampo ni dating Vice President Jejomar Binay matapos na mabanggit ito sa cross examination kay Commission on Audit (COA) ICFAO Auditor Roderick Wamil kung saan ipinunto na hindi lamang si Vice President Sara Duterte ang may confidential funds.

Ayon kay Poa, pinipilit nito na hindi mabanggit ang pangalan ng dating bise kung saan sinabi lamang nito na may pondo sa Office of the Vice President (OVP) noong 2014 kung saan si Binay noon ang nakaupong bise.

Aniya, gusto lang nya na iklaro sa publiko ang naging pahayag kahapon ni Wamil na sa kanyang panahon bilang auditor sa COA-ICFAO si Vice President Sara Duterte lamang ang may confidential funds sa lahat ng bise presidente.

Dagdag pa ng defense counsel, ayaw nyang siraan ang COA-ICFAO na nagtatrabaho lang naman ngunit ang gusto nya lang na maprotektahan ang imahe ni VP Sara lalo na sa mga misleading na balita na nakikita online.

Facebook Comments