Wednesday, August 26, 2026

Pamahalaan, pinag-aaralan ang mas matibay na imprastraktura laban sa baha sa Central Luzon

COURTESY: Presidential Communications Office

Pinag-aaralan ng pamahalaan ang mga proyektong pang-imprastraktura na mas matibay at hindi agad masisira sa mga susunod na pagbaha sa Central Luzon.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kailangang tiyaking pangmatagalan ang mga itatayong proyekto at hindi lamang solusyon sa kasalukuyang problema sa baha.

Inihalimbawa ng pangulo ang planong Sabo River Dams sa Nueva Ecija na sasalo mula sa Sierra Madre upang mapabagal ang agos nito at mabawasan ang pag-ipon ng banlik o siltation.

Kasama rin sa pangmatagalang plano ang pagtatayo ng dike na magsisilbi ring kalsada.

Posibleng umabot ito hanggang Pilar, Bataan at humaba nang halos 100 kilometro.

Gayunman, sinabi ng pangulo na masalimuot at matagal ang paggawa nito dahil sa lawak ng sakop ng proyekto.

Facebook Comments