Friday, May 8, 2026

Pagbasura sa kasong isinampa ng mister ni VP Duterte sa QC-RTC, marapat lang

ikinalugod ni House Committee on Public Accounts chairman at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang pagbasura ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) sa kasong isinampa ng mister ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Manases Carpio.

Diin ni Ridon, tama lang na binasura ng QC-RTC ang kaso ni Carpio dahil ito ay walang batayan at panggulo lang sa kabuuang proseso ng pagpapanagot sa pangalawang pangulo.

Ayon kay Ridon, na isang abogado, public documents ang Income Tax Returns (ITR) at iba pang tax document kaya hindi dapat kinokontra ni Carpio ang pagsalang ng mga ito sa constitutional at investigative proceedings katulad ng impeachment.

Binanggit ni Ridon na sa pagkakabasura sa mga kasong inihain ni Carpio ay mas matututukan na ang botohan sa plenaryo ng Kamara sa Lunes, May 11, para sa impeachment laban VP Sara.

Facebook Comments