Tuesday, May 26, 2026

MMDA GM Torre ,pumalag sa mga bashers matapos ang pagpunta sa gumuhong gusali sa Pampanga

Inalmahan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III ang mga bumabatikos sa kanyang pagtungo sa gumuhong gusali sa Angeles city Pampanga para tumulong.

Nauna nang umani ng reaksyon sa mga netizens ang pagtungo doon ni Torre dahil hindi naman daw sakop ng MMDA ang Angeles city.

Sa kanyang social media post,sinabi ni Torre na hindi dapat nagiging usapin ng pulitika ang pagtulong sa kapwa pilipino.

ipinaliwanag niya na ang MMDA ay may mga kagamitan at technical capabilities na binili gamit ang buwis ng taumbayan para tumulong sa oras ng sakuna at emergency.

Hindi umano dapat pinipili kung sino lang ang dapat tulungan depende sa kulay ng pulitika.

Ani Torre, hindi dapat ipinagkakait ang serbisyo publiko sa kapwa Pilipino dahil lamang sa pagkakaiba ng pananaw o paniniwala sa pulitika.

Aniya, ang tunay na lakas ng bayan ay nasa pagkakaisa para sa kapwa.

Facebook Comments