2018 ASIAN PARA GAMES | Gawilan, Severino, mga instant millionaire dahil sa mga gintong medalya

Manila, Philippines – Dahil sa kanilang ipinamalas na galing at determinasyon sa katatapos lamang na 2018 Asian Para Games sa Indonesia, nakatakdang maging milyonaryo sina Ernie Gawilan at Sander Severino.

Tatanggap ng apat na milyong piso ang swimmer na si Gawilan matapos makapag-uwi ng tatlong ginto at dalawang pilak na medalya.

Samantalang may P2.66-M naman ang chesser na si Severino dahil sa four gold medal output nito—dalawa sa individual play at dalawa sa team event.


Mag-uuwi naman ng P1.66-M si woodpusher Henry Lopez habang may P1.5-M naman ang bowler na si Kim Ian Chi.

Ayon kay Philippine Sports Commission chair Butch Ramirez may insentibong P1M ang bawat atletang nakakuha ng gintong medalya sa Para Games, P500K naman sa silver at P200K naman para sa medalyang tanso.

Humakot ng 10 gold, eight silver at 11 bronze medals ang Pilipinas sa Jakarta Para Games.

Facebook Comments