
Isa-isa nang nagsisidatingan ang mga kaibigan at teammates ng namayapamg Ateneo athlete na si Divine Adili sa Arlington memorial chapel sa Araneta Avenue sa Quezon City.
Si Adili ay kasama ni Rene Baterbonia na nalunod sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora.
Ilang araw na ring nakaburol sa Immaculate Conception Chapel, sa Ateneo Loyola Heights Campus ang Nigerian athlete pero, wala ni isa sa kaniyang mga kapamilya ang dumating.
Kaninang alas-dose ng tanghali bumisita sa viewing area ang mga kaibigan at fans ni Adili.
Kabilang dito ang dating National Collegiate Athletic Association (NCAA) Most Valuable Player (MVP) at standout Nigerian basketball player ng University of Perpetual Help na si Prince Eze.
Ayon kay Prince, posibleng ang tatay ni Adili ang dumating sa bansa na may inaayos lang umanong ilang mga dokumento.
Hindi naman malinaw kung kailan makakarating ang tatay ni Divine.
Hindi rin aniya malinaw kung haggang kailan ang burol dahil nakadepende ito sa magulang ni Adili.
Bumisita rin kanina ang kapwa Nigerian national na si Praise na fan umano ni Adili.
Bumisita rin kanina ang kaniyang matalik na kaibigan na si Antonio Monte mayor.
Inalala ni Montemayor ang pagiging matalik na magkaibigan nila ni Adili noong nag-aaral sila pareho sa high school sa New Era University.
Naging magka-team sila noon sa koponan ng New Era university at nakilala niya si Adili na mapagkumbaba, masayahin at matiising tao.
Kaninang 5:00 p.m. ay isinagawa ang isang misa sa burol ni Adili.










