
Tuloy ang pagpapatupad ng dagdag sahod sa National Capital Region (NCR).
Ito ang iginiit ng Malacañang matapos sabihin na wala pa itong natatanggap na anumang pormal na apela mula sa mga grupo ng pribadong sektor para ipagpaliban o bawiin ang wage order.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, epektibo sa Hulyo 25 ang unang tranche ng wage hike.
Nilinaw rin ni Castro na hindi sinuspinde ang wage order.
Inilipat lamang ang petsa ng implementasyon mula Hulyo 19 patungong Hulyo 25 upang umayon sa itinakdang effectivity ng batas.
Sa ilalim ng umiiral na regulasyon, magkakabisa lamang ang wage order 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagang may general circulation.
Facebook Comments










