Naging sentro ng talakayan ang mga contingency plan sakaling tumama ang malakas na lindol sa isinagawang Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) meeting ng Municipal DRRM ng San Jacinto sa San Jacinto National High School noong Hulyo 20, 2026.
Batay sa ulat, sinuri ang kasalukuyang earthquake contingency plan ng paaralan, tinukoy ang mga kakulangan, at nakipag koordina ang mga ahensya sa pagtugon sa oras ng sakuna.
Kabilang dito ang evacuation procedures, Incident Command System (ICS), emergency communication protocols, resource management, search and rescue operations, fire suppression, law enforcement support, at mga hakbang para sa post-earthquake response at recovery.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), mga administrador ng paaralan, mga guro, at mga DRRM focal persons. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










