Friday, July 24, 2026

PCG, pumalag sa pahayag ng China sa insidente ng panibagong pangha-harass sa mga barko ng Pilipinas

Pinalagan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pahayag ng China kaugnay sa panibagong insidente ng pangha-harass ng kanilang mga barko sa Bajo de Masinloc na nasa loob ng West Philippine Sea.

Ito ay matapos sabihin ng China na control measures sa ilalim ng batas ang kanilang ginawa at ang mga barko ng Pilipinas umano ang nanghimasok sa kanilang teritoryo.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela, isang attempted theft o tangkang pagnanakaw sa pamamagitan ng iligal na deployment ng pwersa ang ginawang ito ng China.

Ni hindi rin aniya sakop ng China ang Bajo de Masinloc na nasa layong 124 nautical miles lamang mula sa Zambales at pasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Kanina nang muling makaranas ng pambobomba ng tubig at delikadong pagmaniobra ang mga barko ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) mula sa Chinese Coast Guard.

Facebook Comments