
Kinumpirma ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan kaugnay ng insidente sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Castro, may kinalaman sa pambansang seguridad ang pagpupulong kaya hindi pa maaaring ilahad sa ngayon ang buong detalye.
Aniya, magbibigay ang Malacañang ng karagdagang impormasyon kapag pinahihintulutan na itong gawin.
Nauna nang kinondena ni Pangulong Marcos ang insidente.
Tiniyak din ng Palasyo na magsasagawa ang pamahalaan ng naaangkop na hakbang diplomatiko.
Facebook Comments










