
Tumanggap ng aabot sa ₱4.1-M na monetary reward o pabuya ang mga informants ngayong araw.
Sa seremonya na ginanap sa Kampo Krame, naipamahagi sa 21 informants ang nasabing gantimpala na pananalapi.
Ang nasabing gantimpala, ay isang insentibo para sa pagbibigay impormasyon sa mga wanted individuals na nagkasala sa batas.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., sa simpleng pagbibigay ng mga informants ng impormasyon patungkol sa mga wanted na indibidwal ay nakatulong sila sa pagsugpo sa krimen.
Tiniyak naman ng PNP na tuloy-tuloy lang ang paghahahanap pa sa iba pang mga wanted persons kagaya nila dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag, dismissed PLtCol. Rafael Dumlao, dating representatives Zaldy Co at negosyanteng si Atong Ang.










