
Nanawagan si House Committee on Human Rights Chairman at Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa National Bureau of Investigation (NBI) na lawakan ang imbestigasyon nito sa bantang pagpatay ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Giit ni Abante sa NBI, dapat isama sa pagsisiyasat ang posibleng planong ng pamilya Duterte na pabagsakin ang kasalukuyang administrasyon.
Mensahe ito ni Abante, makaraang lumabas sa nagdaang impeachment hearing ang iba pang mga pahayag sa magkakahiwalay na pagkakataon ni VP Sara at Davao City Mayor Sebastian Duterte laban kay PBBM.
Inihalimbawa ni Abante ang pagtanggi ni VP Sara na dumalo sa State of the Nation Address (SONA) noon ni Pangulong Marcos at pagtalaka sa kanyang sarili bilang designated survivor.
Tinukoy din ni Abante ang sinumpaang salaysay ni Ramil Madriaga kaugnay sa planong patalsikin si Pangulong Marcos sa kalagitnaan ng termino nito upang bigyang daan ang pag-upos sa Malakanyang ni VP Sara.










