Monday, May 4, 2026

Tunnel na hinihinalang gagamitin sana sa panloloob sa isang pawnshop sa Quezon City, nadiskubre ng mga awtoridad

Napurnada ang tangkang tunnel-based robbery ng mga hindi pa nakikilalang individwal na pinaniniwalang miyembro ng termite gang sa isang pawnshop sa Barangay Nova Proper, Novaliches sa Quezon City matapos madiskubre ng mga awtoridad kahapon, May 3, ang nasabing imburnal o kanal.

Ayon sa Novaliches Police Station 4, ang security guard mismo ng pawnshop na naka-duty ang nakarinig sa kakaibang ingay mula sa isang manhole sa loob ng nasabing pawnshop noong April 22 at agad itong ini-report kinaumagahan ng April 23 sa pulisya.

Agad na nahanap ng mga awtoridad ang nasabing imburnal o kanal na abot hanggang sa mga karatig na establishemento kung saan narekober din ang portable grinder, mga rechargeable na baterya, cutting disc, hydraulic jack, crowbar, at screwdriver na pinaniniwalaang ginamit sa paghuhukay ng nasabing imburnal.

Samantala, inaalam na ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakakilanlan ng mga indibidwal na sangkot sa krimen para mapanagot sila sa batas.

Facebook Comments