220 PIRASO NG NARRA FLITCHES, NASAMSAM SA KALINGA

17
Nasamsam ng mga kasapi ng Kalinga Police Provincial Office ang 220 piraso ng Narra flitches sa Katabbogan, Pinukpuk, Kalinga kahapon, Hulyo 26, 2022.

Ang mga nasabat na kahoy ay nagkakahalaga ng 575,000 pesos.

Ayon sa PNP Kalinga, ang mga narra flitches ay lulan ng itim na 10 wheeler dump truck.

Walang naipresentang dokumento ng pagbiyahe ng mga kahoy ang driver ng truck nang hinanapan ito dahilan para siya ay arestuhin.

Ang suspek ay isang 42 taong gulang na residente ng San Miguel, Bulacan.

Dinala sa kustodiya ng Kalinga PPO ang driver para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments