MAHIGIT 200 MAGSASAKA, NAGPAREHISTRO NG KANILANG KAGAMITAN PANG BUKID AT PANGINGISDA

20
Inilunsad ang Ownership Registration of Agri-Fishery Machinery and Equipment sa Barangay San Francisco, Cauayan City kahapon, Hulyo 26, 2022.

Mahigit 200 magsasaka at mangingisda na magmamay-ari ng mga kagamitang pambukid at pangingisda katulad ng kuliglig, hand tractor, thresher, at bangka ang nagparehistro ng kanilang mga kagamitan at makinarya.

Ang naturang programa ay pinamunuan ng City Agriculture Office, City Treasury Office, Department of Agriculture Regional Field Office at PhilMech.

Magpapatuloy ang isinagawang registration sa naturang barangay hanggang matapos maitala ang lahat ng kagamitang pambukid at pangingisda bago lumipat sa iba pang barangay sa lungsod ng Cauayan.

TAGS:
OWNERSHIP REGISTRATION OF AGRI-FISHERY MACHINERY AND EQUIPMENT, CITY AGRICULTURE OFFICE, SAN FRANCISCO, CAUAYAN CITY

Facebook Comments