268 RESIDENTE, NAGTAPOS SA LTO THEORETICAL DRIVING COURSE SA MANAOAG

Nagtapos ang 268 kalahok sa ikaapat na batch ng Theoretical Driving Course (TDC) na isinagawa noong Mayo 15 hanggang 16, 2026 sa Manaoag, Pangasinan.

Ayon sa mga Traffic Operations Office, matatanggap ng mga kalahok ang kanilang TDC certificates sa Mayo 19 sa LTO Binalonan District Office.

Ang certificate ay isa sa mga pangunahing requirement sa pagkuha ng Student Permit.

Sa isinagawang 15-hour seminar, tinalakay ang road safety, traffic regulations at responsableng pagmamaneho.

Kasama sa pagsasagawa ng programa ang Traffic Operations Office, Lokal na Pamahalaan ng Manaoag, LTO Regional Office at LTO Binalonan District Office. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments