Friday, August 21, 2026

HIGIT 316,000 PAMILYA SA REGION 1, APEKTADO NG BAGYO AT HABAGAT – OCD R1

Umabot na sa 316,881 pamilya sa mahigit isang libong barangay sa Ilocos Region ang naapektuhan ng nagdaang bagyo at patuloy na epekto ng Southwest Monsoon o Habagat.

‎Ayon kay Freddie Evangelista, Information Officer II ng Office of Civil Defense Region 1, ilang casualties na rin ang naitala sa rehiyon, kabilang ang isang indibidwal na nasawi dahil sa pagkalunod sa La Union.


‎Samantala, patuloy na mino-monitor ng OCD Region 1 ang mga lugar na nakararanas pa rin ng masamang panahon.

‎Nasa White Alert Level ang Ilocos Norte at Ilocos Sur, habang Blue Alert Level naman ang La Union at Pangasinan.

‎Sa inisyal na tala ng awtoridad, nasa 358 kabahayan na ang napinsala dahil sa patuloy na pag-ulan sa Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.

‎Apektado rin ng masamang panahon ang mahigit 200 kalsada at tulay sa rehiyon.

‎Patuloy ang monitoring ng OCD Region 1 sa sitwasyon ng mga probinsya upang matiyak ang maagap na pagtugon sa mga lugar na patuloy na nakararanas ng epekto ng Habagat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments