Wednesday, August 26, 2026

Kalagayan ng tuhod ni Senator Jinggoy Estrada, posibleng sumailalim sa surgery kung lalala ang punit

Dinala sa Cardinal Santos Medical Center sa Greenhills, San Juan City si Senator Jinggoy Estrada matapos sumailalim sa Knee X-Ray Procedure, ngayong Miyerkules, August 26.

Pansamantala siyang inilabas sa New Quezon City Jail matapos mangailangan ng medical attention dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod.

Ayon sa panayam ng DZXL News kay Dr. Fernando Syquia, orthopedics doctor na nagsuri kay Senator Estrada, napunit aniya ang bahagi ng kaliwang tuhod nito dahil sa maling posisyon ng pagtayo.

Habang ang kanang tuhod naman ay matagal nang may ostheoarthritis.

Binigyang-diin ni Doctor Syquia na kung magiging alalahanin at sagabal sa pangkalahatang kalusugan ni Estrada ang kaniyang tuhod, posibleng dumaan ito sa surgery.

Kasalukuyang sumasailalim ngayon ang senador sa monitoring at anti-inflammatory medication.

Dagdag pa ng doktor, isa ring risk factor niya ang timbang ng senador at inirerekomenda ang pag-diet nito.

Pinabulaanan ng BJMP ang balitang nadulas sa banyo ng New Quezon City Jail si Estrada kung kaya’t nanakit ang tuhod nito.

Facebook Comments