THE MEDICAL CITY PANGASINAN, PINALALAKAS PA ANG MEDICAL CAPABILITY NG DAGUPAN CITY SA PAGDIRIWANG NG IKA-11 ANIBERSARYO

Ipinagdiwang ng The Medical City Pangasinan ang kanilang ika-11 anibersaryo bilang bahagi ng patuloy nitong pagsusulong ng mas dekalidad at mas accessible na serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Dagupan City at buong lalawigan ng Pangasinan.

Sa temang “More Than a Decade of Compassion, and a Continued Commitment to Exceptional Care,” muling pinagtibay ng ospital ang kanilang pangako na maghatid ng world-class at patient-centered healthcare services para sa mga Pangasinense.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan sa Pangulo at CEO ng ospital, sinabi nitong malaking hakbang ang patuloy na pagpapalawak ng kanilang serbisyo upang higit pang mapalakas ang kalidad ng healthcare delivery sa rehiyon, lalo na’t unti-unti nang kinikilala ang Dagupan City bilang isa sa mga pangunahing sentro ng healthcare services sa Region 1.

Sa loob ng labing-isang taon, naging katuwang ng komunidad ang The Medical City Pangasinan sa pagbibigay ng makabagong serbisyong medikal, specialized healthcare programs, at mas pinahusay na pasilidad para sa mga pasyente mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan at karatig-rehiyon.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang pagpapakilala ng mga bagong hospital services at healthcare innovations na layuning higit pang mapaigting ang kalidad, kahusayan, at accessibility ng serbisyong medikal para sa publiko.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng ospital sa patuloy na pagtitiwala at suporta ng komunidad, healthcare workers, at mga partner institutions na naging bahagi ng paglago at tagumpay ng ospital sa nakalipas na mahigit isang dekada.

Sa pagkakaroon ng isang institusyong tulad ng The Medical City Pangasinan sa Dagupan City, mas lalo pang napapalakas ang kakayahan ng lungsod sa larangan ng modernong medisina habang mas nailalapit ang world-class healthcare services sa mga residente ng Pangasinan at mga karatig-lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments