Mga atletang magrerepresenta sa Mangaldan sa Palarong Pambansa 2026, tumanggap ng financial assistance mula sa lokal na pamahalaan bilang dagdag lakas sa kanilang paghahanda.
Aabot sa kabuuang ₱50,000 ang ipinagkaloob sa walong atleta at limang coaches na sasabak sa kompetisyon sa Agusan del Sur mula Mayo 24 hanggang 31 .
Bawat atleta ay may tig-₱5,000 habang tig-₱2,000 naman ang natanggap ng mga coaches bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagsasanay sa mga manlalaro.
Sasabak ang mga kalahok sa iba’t ibang events tulad ng futsal, tennis, at paragames kung saan target nilang iuwi ang karangalan para sa kanilang bayan . | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments







