
Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) sa dalawang magkahiwalay na operasyon ang tatlong suspek na nagbebenta ng SMS blaster machine sa social media sa Cavite at Paranaque City.
Ang mga nasabing SMS blaster ay kayang magpadala ng 1,000 messages na nagagamit sa pagpapadala ng mga pekeng link para sa pag-scam.
Ayon kay ACG Director PMGen. Wilson Asueta , napag-alaman na ang mga nasabing SMS blaster ay mula sa ilegal na POGO.
Kaugnay nito, napag-alaman din na dalawa sa mga nahuling suspek ay dating empleyado sa POGO.
Patuloy naman isinasagawang operasyon ng ACG para sa iba pang mga SMS blaster na ibinibenta online.
Nahaharap naman sa kasong paglabag sa misuse of devices sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga suspek.










