Dalawampu’t pitong batang Dagupeño ang nagbigay ng karangalan sa Dagupan City matapos mag-uwi ng iba’t ibang parangal sa Asiarope Olympiad 2026 International Round sa Bangkok, Thailand.
Nagkamit sila ng Champion, Runner-Up, Diamond, Gold, Silver, at Bronze Awards sa Mathematics, Science, English, Journalism at Writing.
Kabilang sa mga nagpakitang-gilas sina Daniel Inigo Ferrer, Juliana Cabusas, Gavin David Bautista, Ghianna Isabella De Leon Enrique, Gemarson Evan Cuison, at Jabrylle Kate Maningding, na nakakuha ng mga top honors sa kanilang mga kategorya.
Patunay ito ng husay at talento ng mga Batang Dagupeño na patuloy na nagliliwanag hanggang sa international stage. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










