Nasawi ang isang 29 anyos na babae matapos masangkot sa naganap na vehicula traffic incident kung saan kinasasangkutan ng isang tricycle at pick up na sasakyan sa bahagi ng Brgy. Tebag West, Sta. Barbara, Pangasinan, madaling araw ng October 2, 2026.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sta. Barbara Police Station, parehong binabagtas ng tricycle at pick-up ang direksyon mula Urdaneta City patungong Dagupan City nang mangyari ang insidente.
Posibleng mabilis umano ang takbo ng pick-up nang mabangga nito ang likurang bahagi ng tricycle na lulan ang drayber na lalaki, 29 anyos na babae kasama ang kaniyang batang anak.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at isinugod sa ospital ang mga biktima.
Gayunman, idineklarang dead on arrival ang babae, habang nagtamo naman ng minor injuries ang tricycle driver at nasa maayos na kondisyon ang bata.
Sinampahan naman ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Serious Physical Injuries and Damage to Property ang driver ng pick-up.
Nakakuha naman ito ng piyansa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










