Tuesday, October 6, 2026

DSWD, nakapagtala ng mahigit 192-K katao na apektado ng El Niño sa ilang rehiyon sa bansa

Naitala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD – Disaster Response Managent ang mahigit 84-k na pamilyang apektado ng tagtuyot.

Katumbas ito ng mahigit 192-K na indibidwal mula sa 807 na barangay na sakop ng Cagayan Valley, MIMAROPA, Bicol Region, at CARAGA, base sa pinakahuling tala ng ahensya, ala-sais ng hapon noong Lunes, Oct. 5.

Umabot na sa P56.69-million ang maipaabot na humanitarian asssistance ng DSWD sa mga apektadong pamilya, habang mah mahigit P4-b pa namang available resources ang ahensya, kabilang na ang quick reapond fund at food and non-food items.

Samantala, wala pa namang naitatalang evacuees dahil sa tagtuyot ang ahensya.

Matatandaang nauna nang nagpaabot ang ahensya ng libo-libong family food packs, non-food items, at water containers sa ilang rehiyon sa bansa, at nangakong magpapatuloy pa ang kanilang pagtugon hangga’t kailangan.

Facebook Comments