MAHIGIT 200K BOTANTE SA DAGUPAN CITY, INAASAHANG LALAHOK SA BSKE 2026 — COMELEC DAGUPAN ‎

‎Inihahanda na ng Commission on Elections (COMELEC) Dagupan ang malawakang operasyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026, kasunod ng naitalang mahigit 200,000 rehistradong botante sa lungsod.

‎Ayon sa COMELEC Dagupan, binubuo ito ng 144,657 regular voters o mga botanteng edad 18 pataas, at 55,524 Sangguniang Kabataan (SK) voters na may edad 15 hanggang 30.

‎Mas mataas umano ito kumpara sa 141,906 recorded voters noong 2023 BSKE, na indikasyon ng lumalawak na voter base sa lungsod.

‎Dahil dito, nasa 396 classrooms na voting centers at 1,188 poll workers ang inaasahang ihahanda para sa logistics at polling operations.


‎Binibigyang-diin ng komisyon na patuloy parin ang paghahanda para sa isang maayos, ligtas, at organisadong halalan sa 2026 sa Dagupan City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments