
Nakapag-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng nasa 27 chinese vessels sa 4 na maritime features sa West Philippine Sea sa nakalipas na linggo, May 12 hanggang May 18.
Sa Bajo De Masinloc namataan ang 8 na Chinese Coast Guard Vessels at 6 na People’s Liberation Army Navy.
Sa Ayungin Shoal naman ay may naiulat na nakitang 1 PLA-Navy Ships at 7 na CCGs.
Habang sa Escoda Shoal isang CCGs lang ang naiulat na namataan.
Samantala, 2 PLA Navy at 2 CCGs naman ang nakita sa Pag-asa Island.
Patuloy naman ang pagbabantay ng AFP sa pambansang teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.
Facebook Comments










