Tuesday, May 19, 2026

Driver at operator ng bus na sumalpok sa concrete barriers sa EDSA Busway, Quezon City, pinagpapaliwanag na ng LTO; Driver, nagsi-cellphone ayon sa mga pasahero

Inisyuhan na ng Show Cause Order ng Land Transportation Office o LTO ang driver at operator ng pampublikong bus na bumangga sa mga concrete barriers sa southbound lane ng EDSA Busway sa Kamuning, Quezon City nong Linggo, May 17 ng hapon.

Sa kwento ng mga pasahero, nagbabasa at nagre-reply umano ng mensahe sa cellphone ang driver habang nagda-drive.

Pinagsusumite na rin ang dalawang respondents ng sinumpaang salaysay para depensahan kung bakit hindi sila dapat maharap sa administrative charges of employing a reckless driver, reckless driving, at pagiging improper person to operate a motor vehicle.

Ayon kay LTO Chief at Assistant Secretary Markus Lacanilao, hindi nila palalagpasin ang insidente lalo’y may 1 pasaherong nasaktan dito.

Hindi rin anya biro ang pagiging driver ng pampublikong bus dahil buhay ng mga pasahero ang nakataya dito.

Samantala, nasa ilalim na ng alarm status ang bus habnag pansamantala namang suspendido ng 90-days ang lisensya ng driver.

Facebook Comments