Wednesday, June 24, 2026

Sen. Dela Rosa, hinimok ng ilang mga senador na boluntaryong sumuko na sa mga awtoridad

Hiniling ng limang senador ang boluntaryong pagsuko ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa mga awtoridad.

Nakapaloob ito sa Senate Resolution 395 na inihain nina dating Senate President Tito Sotto III, Senators Ping Lacson, Risa Hontiveros, Bam Aquino at Kiko Pangilinan.

Sa resolusyon ay inihahayag ang sense of the Senate kung saan hinihimok si Dela Rosa na boluntaryong isuko ang sarili sa mga otoridad at paggamit ng mga legal na remedyo salig sa Konstitusyon, sa batas at sa rules.

Nakasaad sa resolusyon na batay sa Article 6 ng Konstitusyon, ang Senado at Kamara ay hindi binibigyan ng otorisasyon na magbigay ng santuaryo, proteksyon mula sa pag-aresto at protective custody sa sinumang myembro na nahaharap sa kaso na hindi saklaw sa saligang batas.

Limitado lamang ang pagbibigay ng proteksyon sa mga myembro ng Kongreso na nahaharap sa parusang hindi hihigit sa anim na taong pagkakakulong ,ibig sabihin walang blanket authority o protective custody ang Senado sa mga myembro na nahaharap sa grave offenses o matinding paglabag sa batas.

Facebook Comments