
Naghatid ng tulong ang mga tauhan ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa mga pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng PNP Good Deeds at Adopt-a-Family Program noong Hulyo 5, 2026 sa Sitio Canubat, Barangay San Jose, Caba, La Union.
Pinangunahan ang aktibidad ni PLT Precious Llynet C. Culos, Police Community Relations (PCR) Police Commissioned Officer, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Roland M. Kingat, Force Commander.
Sa ibinahaging post ukol sa programa, namahagi ang mga pulis ng mga pangunahing pangangailangan sa mga napiling benepisyaryong pamilya bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa makataong paglilingkod at pagtulong sa mga komunidad.
Layunin ng Adopt-a-Family Program na magbigay ng agarang suporta sa mga pamilyang higit na nangangailangan, kasabay ng pagpapatibay ng ugnayan at tiwala sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










