
Walang panahong tumutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, maraming trabaho at kailangang asikasuhin ang pangulo kaya hindi nito aaksayahin ang oras sa panonood ng trial.
Kasabay nito, naniniwala ang Malacañang na dapat harapin ni Vice President Duterte ang impeachment trial kung nais nitong sagutin at linisin ang sarili sa mga paratang.
Samantala, hindi rin makikialam ang ehekutibo sa usapin ng panukalang baguhin ang bilang ng boto na kailangan para sa conviction.
Sabi ni Castro, Senado ang may kapangyarihang magpasya sa mga patakaran ng impeachment trial.
Facebook Comments










