EDUCATIONAL CASH ASSISTANCE PARA SA EDUKASYON NG MGA BATA, IBINIGAY SA MGA PILING MGA MAGULANG SA MANAOAG

Binigyan ng ₱3,000 educational cash assistance ang mga pamilyang may mga menor de edad sa bayan ng Manaoag, Pangasinan noong Hunyo 24, 2026.

Alinsunod ang aktibidad sa pagpapatupad ng Shield Against Child Labor Program ng lokal na pamahalaan. Isinagawa ang pamamahagi sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWD), na target matulungan ang mga pamilyang nasa vulnerable sectors.

Batay sa ulat, ang tulong-pinansyal ay ibinigay sa mga kwalipikadong benepisyaryo na itinuring na nangangailangan ng suporta sa gastusin sa pag-aaral para sa child protection at access to education.

Ang naturang programa ay kahalintulad ng mga naunang assistance at payout initiatives ng MSWD Manaoag na nakatuon sa social protection services, partikular sa mga pamilyang nasa low-income at vulnerable sectors. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments