Monday, July 6, 2026

TOP 3 PROVINCIAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA PINILI, ILOCOS NORTE

Naaresto ng mga operatiba ng Pinili Municipal Police Station ang Top 3 Provincial Level Most Wanted Person sa isinagawang operasyon sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa Barangay Valbuena, Pinili, Ilocos Norte noong Hulyo 4, 2026.

Ang naarestong suspek ay isang 31 anyos na lalaki na matagal nang pinaghahanap ng mga awtoridad sa antas ng lalawigan.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ayon sa korte, may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱180,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments