Tuesday, May 19, 2026

NBI driver/volunteer, posibleng nagpositibo sa paraffin test matapos itong bitbitin sa lugar kung saan may mga gunpowder sa Senado

Ipinaliwanag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na posibleng nagpositibo sa paraffin test ang kanilang NBI driver matapos itong bitbitin sa lugar kung saan may gunpowder sa Senado.

Sa ambush interview na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Matibag na babalik lang sana ang nasabing driver dahil may naiwang bag ang kasama nito, ngunit sa canteen pa lang umano ng GSIS ay hinabol at inaresto na siya.

Kung saan, dinala ito sa Senado at pinadapa, kung kaya’t posibleng nakuha niya ang gunpowder sa sahig ng nasabing establisimyento.

Kaugnay nito, iginiit din ni Matibag na hindi sila nag-isyu ng baril sa nasabing driver.

Binigyang-diin din niyang muli na ang mga tauhan ng NBI ay nasa GSIS at wala sa Senado.

Kaugnay nito, nabatid na pansamantalang nakalaya at nakapagpyansa ang nasabing driver kahapon para sa reklamong Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Direct Assault.

Facebook Comments