
Nagpadala ng liham sa Department of Justice (DOJ) ang partiding kinabibilangan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ito ay kaugnay sa umano’y iresponsableng pahayag ni Justice Secretary Eric Vida noong nakaraang linggo kung saan sinabi ng kalihim na mapipilitan silang arestuhin si Dela Rosa kung magtangka itong lumabas ng bansa.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, Deputy Spokesperson ng PDP-Laban at isa sa itinalagang abogado para kay Dela Rosa, walang kapangyarihan ang Justice Department na magpatupad ng hold departure order laban sa isang taong wala aniyang warrant of arrest.
Sinabi ni Topacio na wala umanong legal na batayan para ipaaresto ang senador kung subukan nitong lumabas ng bansa.
Tinukoy nito ang desisyon ng Korte Suprema noong 2018 kung saan idineklara na labag sa karapatang bumiyahe ang pagpapalabas ng HDO nang walang utos ng korte.
Ayon kay Topacio, wala umanong arrest warrant si Dela Rosa mula sa alinmang korte sa bansa kaya’t mali ang naging pahayag ng DOJ kaugnay sa posibleng pag-aresto sa kaniya.
Dahil dito, nagbabala rin si Topacio na gagawa sila ng legal na hakbang sakaling ituloy umano ng DOJ ang plano laban sa senador.










