
Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lalo pang palalakasin ng Pilipinas at Japan ang kanilang pagtutulungan para sa kapayapaan at katatagan sa Indo-Pacific region.
Sa state banquet sa Imperial Palace, sinabi ni Pangulong Marcos na magtutulungan ang dalawang bansa sa usapin ng seguridad, ekonomiya, teknolohiya, pagkain, enerhiya, at climate action.
Nananatili aniyang mahalagang kaalyado ng Pilipinas ang Japan lalo na sa imprastraktura, seguridad, at pagtulong sa panahon ng kalamidad.
Nagpasalamat din si Marcos sa patuloy na suporta ng Japan sa Pilipinas at sa mainit na pagtanggap sa delegasyon ng bansa sa kanilang pagbisita sa Tokyo.
Facebook Comments










