
Hindi sapat para kay House Deputy Minority Leader at Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña ang pag-aresto kay Senator Jinggoy Estrada sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan para sa mga kasong pandarambong at graft kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Giit ni Cendaña, dapat tiyakin na hindi na makakalusot muli si Estrada sa kinakaharap na panibagong mga kasong may kaugnayan sa katiwalian.
Apela ni Cendaña sa pamahalaan, siguraduhin na malakas ang kaso laban kay Sen. Jinggoy para masigurado na ito ay mahahatulan ng guilty at mapapanagot sa ginawang korapasyon.
Magugunitang noong 2001 ay naharap din si Estrada sa kasong plunder dahil sa umano’y pagkakamal ng ill-gotten wealth mula sa iligal na Jueteng habang noong 2014 ay muli uli siyang sinampahan ng plunder dahil naman sa PDAF Scam.
Pero ang nabanggit na mga kaso ng pandarambong ay parehong ibinasura ng Sandiganbayan noong 2007 at 2024.










