Monday, June 1, 2026

Preliminary investigation sa reklamo laban kay Sen. Chiz Escudero kaugnay sa pagtanggap ng campaign donations, nagsimula na — COMELEC

Umarangkada na ang preliminary investigation ng Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa reklamong inihain laban kay Senator Chiz Escudero.

Ito ay may kinalaman sa umano’y pagtanggap ng campaign donations ng senador noong 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nag-isyu na ng subpoena ang kanilang Law Department sa campaign donors ni Escudero.

Paglilinaw ni Garcia, Iba ito sa isinagawang fact finding investigation ng poll body dahil mayroon na mismo ngayong complainant laban sa mambabatas.

Hindi naman aniya awtomatikong disqualification ang posibleng kaharapin ni Escudero sakaling mapatunayang may naging paglabag ito sa election laws.

Dati nang pinagpaliwanag ng COMELEC si Escudero sa pagtanggap nito ng P30 million na donasyon sa kampanya mula kay Lawrence Lubiano ng Centerways Construction and Development Inc.

Ito ay dahil ipinagbabawal sa ilalim ng Omnibus Election Code ang pagtanggap ng donasyon mula sa mga government contractor.

Facebook Comments